Marso 10, 2009

1 Star2 Stars3 Stars4 Stars5 Stars
Loading ... Loading ...
  
Marso 10, 2009
  • Latest Komik

    Marso 10, 2009

    Moral lesson: Huwag na huwag mong bibiruin ang iyong Inay tungkol sa iyong pag-aaral, mas lalo na kung mayroon syang  hawak-hawak na kutsilyo.

    Hell week ngayon sa eskwelahan kaya naman naantala ang aking paggawa ng mga komiks. Medyo serious mode muna ako. Kailangan wala akong bagsak ngayon, kung hindi, baka mangyari sa akin ang nangyari kay Jake, hehe.

    Salamat sa pagdaan aking mga mahal na kaibigan! Abangan ang susunod na strip, hopefully, sa Friday. Ayun ay kung makasurvive ako sa hell week. hehe.

    Buhay Kubo blog...

    “Puro ka nalang pangako! Sipain kita, e!”

    Sa mga mahal kong mga mambabasa, alam kong batong-bato na kayo dahil ilang buwan na akong hindi naglalagay ng bagong komik dito sa Buhay Kubo. Puro nalang ako pangako pero hindi naman natutupad, kasing galing ko ng magsinungalin ang mga politician.

    “PU****-***, WALA NA BANG PAGBABAGO!?”, malakas na sigaw ng masa at mga mambabasa ng Buhay Kubo.

    Kapag nagpatuloy ako, balang araw magiging tulad ko rin sya

    Kapag ipinagpatuloy ko pa ito, magiging katulad ko rin sya

    Pero tulad din ng isang magaling politician, ako’y magbibingihan lang at mangangakong muli. “Intayin ang bagong komik sa darating na Lunes! Promise! Peksman! Mamatay man ang aso ko!”

    =======================================

    Noong pinaplano ko pa lang ang paggawa ko ng Buhay Kubo, sabi ko sa sarili ko na dito ko ipapakita ang mga “kapangitan, kabalastugan, at katamaran ng mga Pilipino”, sinong magaakalang naipakita ko na sya gamit ang sarili kong pagkatao.

    Magbago ka na, Karlo. Parang awa mo na, magbago ka na.

    Mabuhay ang Patay!

    Am back! Pasensya na kung sobrang tagal kong nawala. Naku, masanay na kayo, sadyang tamad talaga ako hahaha! 

    Anyways, dahil nandito na uli ako, aking ipagpapatuloy muli ang paggawa ng aking komiks. Pero baka hindi ko na matuloy ung TThS na schedule, shet sobrang hassle kasi para sa akin. Pramis, di ko kaya dahil sa aking studies pati narin sa aking part-time work. Kaya baka gagawin ko nalang weekly ang paggawa ko ng komik. Syempre full colored parin para maganda parin tignan.

    O siya siya. Babalitaan ko nalang kayo kung kelan ang susunod na komik strip. Tulog muna ako. Zzzzzz.

    Hell Week!

    Hell's Gate

    Isang paalala sa lahat ng mambabasa ng Buhay Kubo:

    Hell week na ngayon sa eskwela namin (Meaning, patapos na ang term, pasahan na ng projects, habulan na ng prof, etc.) kaya medyo malalate ngayon ang pagpost ko ng komiks. So, hindi muna T-Th-S ang komik schedule ko for the meantime. Don’t worry, pipilitin ko parin sundin ang aking schedule kung kakayanin.

    Next week naman Finals week, although wala namang nagaaral tuwing finals, baka maging busy parin ako. 

    Salamat sa pagdaan at pagbabasa. Goodluck sa akin!

    Exchange Links at Chat Box

    Nagdagdag ako ng mga bagong features dito sa aking comic blog.

    Una ay ang aking Links page. Dito nakalagay ang lahat ng mga sites na aking binabasa, pati narin ang mga sites ng aking mga mambabasa at mga kaibigan. Kung ikaw ay isa sa aking mga mambabasa, at gusto mong mailagay ang website mo sa listahan, pwede mo akong kontakin gamit ang aking kontak page.

    Ang pangalawang feature na nilagay ko dito sa aking blog ay ang Chat Box na makikita sa kanan na sidebar. Nilagay ko ito para sa mga taong gustong mangamusta at magiwan ng mabilis na comment dito sa blog.

    Yun lang naman ang updates ko. Bukas pa ang sunod na komik strip, so magpahinga muna kayo dyan.

    Hehe. Salamat sa pagbabasa!

    Bagong Beerkada Book! Akibakada!

    akibakadaFan ka ba ng Beerkada komiks na gawa ni Lyndon Gregorio? Pwes, i-clear mo na ang schedule mo ngayong Sabado, Pebrero 28, 2009 pagkat i-lalaunch ni Lyndon ang kanyang pang-siyam na Beerkada book na may title na “Akibakada” sa Mall of Asia Atrium, kasabay ng pagdiriwang ng Nihongo Fiesta at Asian Cartoon Exhibit!

    Mula 2:30 hanggang 6pm ang event na iyon, kaya siguraduhin nyong pupunta kayo!

    Ako? Oo naman, syempre pupunta ako. Kita kits tayo dun!

    Ang aking buhay komik artist

    funnykomiksplanetopdieyps

    Planet op di Eyps: Isa sa mga paborito ko sa Funny Komiks

    Basahin ang aking gawang komik strip! I-click mo ito!

    Bata palang ako ay pangarap ko ang gumawa ng sarili kong komiks. Naengganyo kasi ako sa aking mga nabasa noon mula sa Funny Komiks tulad ng Eklok, Planet Op Di Eyps, at Combatron.

    Naalala ko pa noon na lagi kong ipinagbibilin sa lola ko na bilhan ako ng Funny Komiks tuwing pupunta sya sa palengke. Ayaw na ayaw kong mahuli sa istorya nun! Kapag may namiss akong isyu,  nagwawala ako katulad ng mga taong nagwawala kapag naka-miss sila ng isang episode ng kanilang paboritong soap opera (Naalala ko tuloy yung Meteor Garden fever! Nakowpo!).

    Noong meju tumanda na ako, mas lalo pang na-fuel ang aking desire na gumawa ng comics nung nabasa ko ang mga nakakatuwa pero thought provoking na mga komik strips ni Pol Medina Jr. na Pugad Baboy. Aking nadiskubre din ang mga entertaining na gawa nina Lyndon Gregorio (Beerkada), Syeri Baet (CarPool), at Manix Abrera (KikoMachine Komik).

    Marami na akong mga naisip na concept para sa aking unang komik, pero hindi ko magawang simulan ang mga ito. Una dahil busy ako sa pag-aaral (charing), ikalawa dahil  kulang ako ng inspirasyon para simulan ang mga ito.

    Basahin ang kabuuan ng sulatin »

    Kamusta, Mundo!

    Salamat sa pagdaan dito sa aking Komik blog! Wala pang masyadong nakalagay dito pero, huwag kang mag-alala, magkakaroon din ito ng laman balang araw. Promise, mga ilang araw lang talaga. Sige, magseset ako ng deadline… Jan 15! Kapag wala pa akong nailalagay na komik dito by Jan 15, bibigyan kita ng Php100 sa bawat araw na lilipas mula sa araw ng deadline  Tatalon ako sa bangin Magpapasagasa ako bibigyan kita ng chocnut.

    Promise.

    Ang Buhay Kubo ay gumagamit ng WordPress at ComicPress. Subscribe RSS: Entries | Comments