Featured Komik: Pebrero 13, 2009

Featured Komik: Pebrero 13, 2009
  • Ang aking buhay komik artist

    funnykomiksplanetopdieyps

    Planet op di Eyps: Isa sa mga paborito ko sa Funny Komiks

    Basahin ang aking gawang komik strip! I-click mo ito!

    Bata palang ako ay pangarap ko ang gumawa ng sarili kong komiks. Naengganyo kasi ako sa aking mga nabasa noon mula sa Funny Komiks tulad ng Eklok, Planet Op Di Eyps, at Combatron.

    Naalala ko pa noon na lagi kong ipinagbibilin sa lola ko na bilhan ako ng Funny Komiks tuwing pupunta sya sa palengke. Ayaw na ayaw kong mahuli sa istorya nun! Kapag may namiss akong isyu, nagwawala ako katulad ng mga taong nagwawala kapag naka-miss sila ng isang episode ng kanilang paboritong soap opera (Naalala ko tuloy yung Meteor Garden fever! Nakowpo!).

    Noong meju tumanda na ako, mas lalo pang na-fuel ang aking desire na gumawa ng comics nung nabasa ko ang mga nakakatuwa pero thought provoking na mga komik strips ni Pol Medina Jr. na Pugad Baboy. Aking nadiskubre din ang mga entertaining na gawa nina Lyndon Gregorio (Beerkada), Syeri Baet (CarPool), at Manix Abrera (KikoMachine Komik).

    Marami na akong mga naisip na concept para sa aking unang komik, pero hindi ko magawang simulan ang mga ito. Una dahil busy ako sa pag-aaral (charing), ikalawa dahil kulang ako ng inspirasyon para simulan ang mga ito.

    Ang aking pinaka-unang Komik, ang Anti-Malayan Komik

    Di nagtagal ay may dumating din na pagkakataon noong February 14, 2005, kung saan nakuha ko ang insipirasyon na kailangan ko. Ito ay dumating nung kasagsagan ng rally sa aming eskwelahan sa Mapua na kilala sa pangalan na “Anti-Malayan” rally. Balak kasing palitan ng mga bagong may-ari ng eskwelahan ang pangalan ng Mapua, at tawagin itong “Malayan Colleges”. Marami ang tumutol sa balak ng bagong administrasyon. Isa ako sa kanila. Sa tinagal tagal kong nag-aaral sa Mapua (wag mo ng tanungin kung ilang taon) ay napamahal na rin ako dito.

    Bilang simbolo ng pagtutol, marami sa mga Mapuan ang dumagsa sa kalsada at nagsisigawan. Samanatalang ako naman ay nasa harap ng aking computer at ginuguhit ang aking pinaka-unang komik na naglalaman ng aking mga opinyon at mensahe bilang paglaban sa balak ng mga bagong may-ari ng iskwelahan. Ito ay aking pinangalang “Anti-Malayan” komik.

    antimalayancomic

    Adik Mode: Isang komik tungkol sa Mapuan Culture

    Kumalat at nakilala ang aking “Anti-Malayan” komiks. Napansin ko na madaling kumalat ang isang komik kapag:

    • una, ito ay napapanahon
    • ikalawa, nakakarelate ang mambabasa sa komik
    • ikatlo, nakaka-entertain ang komik

    Nagtagal lang ng mga anim na strips ang aking komik pagkat mabilis natapos ang rally. Dahil dito ay hindi ko na ito naituloy at nagbalak nalang na gumawa ng panibagong komik na may ibang storya.

    Ang pagdating at pag-alis ng Adik Mode Komik

    Bilang pagsakay sa aking natamong kasikatan noong panahon ng rally ay agad akong naglabas ng ikalawang komik, ang Adik Mode komik. Ito naman ay isang komik tungkol sa buhay ng pagiging estudyanteng Mapuan, ang kanilang mga kalokohan, mga hilig, at kung anu-ano pa.

    adikmodecs007rj3

    Lord of the Potters: Ang pagbangga ng Lord of the Rings at Harry Potter

    Naging maayos naman ang pagtanggap ng aking target audience sa aking komik. Subalit ito’y nagtagal lamang ng mga pitong strips dahil naging busy narin ako sa pag-aaral… Ok, fine. Dahil narin tinamad ako, ok? (Isa nga talaga akong true Mapuan).

    Ang aking Obra: Lord of the Potters

    Noong nakasali ako bilang news writer sa aming college newspaper, ay nagkaroon ako ng tyansa na maglagay ng aking komik sa “lampoon” issue ng aming news paper. Isa itong ispesyal, no-holds barred, na issue kung saan pwede kaming maglagay ng kung anu-anong kalokohan.

    Napunta sa akin ang itaas na parte ng bawat pahina ng aming 12-paged issue. So 12 pages ang kailangan punan ng aking istorya, kailangan ito ay maloko, nakakatawa, at tatatak sa isip ng bawat mambabasa. Dito sinilang ang aking obra na “Lord of the Potters“.

    lordofthepotters

    Ang Comics para sa mga Bloggers: BlogComics

    Nitong taong 2007 ay sinimulan ko ang isang website na tinatawag na “BlogComics.net“. Ito ay isang website na naglalaman ng mga one-paneled comic strips tungkol sa iba’t-ibang mga topics kung saan pwede itong hiramin ng mga bloggers para ilagay sa kanilang mga blog posts.

    Cupid Has Problems With Ladies Too

    Naging patok ang BlogComics.net hindi lamang sa mga Pilipino pati narin sa mga dayuhan. Marami ang natuwa sa mga gawa ko at nilagay nila ito sa kanilang mga blogs. At dahil meron link sa ilalim ng bawat comic, mabilis itong kumalat sa iba pang mga bloggers.

    Sa wakas, ang Buhay Kubo

    Phew. Sa totoo lang, ngayon ko lang napansin na marami narin pala akong nagawang komiks. Hahaha.

    A few months ago, naisipan kong gumawa ng panibagong personal blog. This time, in tagalog naman. Mas mabilis kasi akong magsulat kapag tagalog ang wikang gamit ko kaysa sa Ingles.

    Ang dami ko kasing magagandang ideya at mga opinyon sa utak ko na nasasayang lang. Gusto ko kapag meron akong naisip, diretso sulat agad ng mabilis at hindi na pinagiisipan pa. Masyado kasi akong metikuloso kapag nagsusulat sa wikang Ingles, gusto ko lahat tama at maayos ang construction ng mga salita (Isang article lang inaabot ako ng ilang araw). Kapag nagta-tagalog ako, ok lang na hindi masyadong pormal, kaya mabilis lang ang pagfloflow ng mga ideya at mga salita mula sa aking isipan papunta sa papel.

    Tapos bigla kong naisip, “bakit hindi ko kaya lagyan ng komiks ang aking personal blog?” Pwede kong samahan ng related na komik strip ang aking mga blog posts. Kapag ganito ang ginawa ko, hindi ako mawawalan ng materyal para sa aking komiks! Pati eto pa, dahil mahilig akong mag-blog, lagi kong ma-uupdate ang aking blog, at dahil lagi kong in-uupdate ang aking blog, mapipilitan akong i-update yung aking komiks! Wala akong kawala! Bwahahaha!

    Umabot ng ilang buwan ang aking pagplaplano at sa wakas nasimulan ko narin ang Buhay Kubo. Wala akong intensyon na sumikat dito o anuman, ang gusto ko lang ay magsulat at makagawa ng komiks para aking mai-express ang aking mga ideya at opinyon sa mga taong willing na makinig.

    Goodluck sa akin! Salamat sa pagbabasa!

    ^ May 4 na mga Nnagcomment... Magaling magaling magaling

    1. kaye

      astig ka..

    2. aes

      hi…kakatawa u..

      godbless

    3. blographics

      galing mo naman carlo..saludo ako.. astig kang mag-comics

    4. mettle

      amazing!!! bravo…love ur comics! funny talaga! hahah..as in

    ) Mag-iwan ng comment...

    Ang Buhay Kubo ay gumagamit ng WordPress at ComicPress. Subscribe RSS: Entries | Comments