“Puro ka nalang pangako! Sipain kita, e!”

Sa mga mahal kong mga mambabasa, alam kong batong-bato na kayo dahil ilang buwan na akong hindi naglalagay ng bagong komik dito sa Buhay Kubo. Puro nalang ako pangako pero hindi naman natutupad, kasing galing ko ng magsinungalin ang mga politician.

“PU****-***, WALA NA BANG PAGBABAGO!?”, malakas na sigaw ng masa at mga mambabasa ng Buhay Kubo.

Kapag nagpatuloy ako, balang araw magiging tulad ko rin sya

Kapag ipinagpatuloy ko pa ito, magiging katulad ko rin sya

Pero tulad din ng isang magaling politician, ako’y magbibingihan lang at mangangakong muli. “Intayin ang bagong komik sa darating na Lunes! Promise! Peksman! Mamatay man ang aso ko!”

=======================================

Noong pinaplano ko pa lang ang paggawa ko ng Buhay Kubo, sabi ko sa sarili ko na dito ko ipapakita ang mga “kapangitan, kabalastugan, at katamaran ng mga Pilipino”, sinong magaakalang naipakita ko na sya gamit ang sarili kong pagkatao.

Magbago ka na, Karlo. Parang awa mo na, magbago ka na.

Kung gusto mong maka-receive ng E-MAIL ALERTS tuwing may bagong lalabas na komiks dito sa Buhay Kubo, click mo lang ito. Pwede ka rin mag-subscribe gamit ang RSS!

^ May isang nagcomment... Yay!

  1. KENT

    tma ehhhhh!!!!!!!!!!!!!!???????????? ^_^

) Mag-iwan ng comment...

Ang Buhay Kubo ay gumagamit ng WordPress at ComicPress. Subscribe RSS: Entries | Comments