Halimbawa ng Talumpati: Buhay pa ba ang nationalismo?
Ang sulatin na ito ay layunin na makatulong sa mga estudyante na naghahanap ng mga impormasyon tungkol sa mga iba’t-ibang aralin tulad ng Talumpati at mga halimbawa nito.
Malimit ng nakikita ang kagalingan ng mga kabataan ngayon sa paggawa ng mga akda na nakakapukaw ng parehong puso at damdamin. Akala ko nga ay dahil sa impluwensiya ng teknolohiya, ay nawala na sa dugo ng mga kabataan ang pagiging malikhain sa paggawa ng panitikan.
Kaya naman laking gulat ko ng makita ko ang talumpati na gawa ni Julius sa kanyang blog. Simple lang ang kanyang gawa pero maganda ang kanyang pinaparating na mensahe.
Nilagay ko ito ngayon dito ang halimbawa ng talumpati para naman makita nyo at mabasa ang gawa ng isang Pilipinong may malasakit sa bansa.
Buhay pa ba ang nationalismo? Talumpati na gawani Julius
Isa sa pinakamahalagang ugali nang tao sa isang bansang umuunlad ay ang nationalismo.
ngunit anu ba ang nationalismo? Ito ba’y ang pag sasakripisyo nang sariling buhay para sa bansang minulatan. Kung ganyan ang iniisp nang karamihan ay kokonti na lang ang magiging nationalista sa ating bayan. Ang tunay na kahulugan nang nationalismo ay hindi ang pag sasakripisyo kundi ang pag mamahal sa sariling bansa.
Kung tatanongin ko kayo ngaun ikaw ba’y makabayan? Isang filipinong may nationalismo? O isa ka sa mga Pilipinong walang pake sa pinag mulan? Oras na para mamulat ang mga mata nang bawat isa kung walang mag mahal sa ating sariling lupa pano na ang mga pinaglaban nang ating mga ninuno? Muli ba tong mababaliwala?
Mga kamagaral ko
Mga kababayan ko
Mga kapwa Pilipino
Tayo na at mag kaisa. Isa sa paraan upang pakita nating ang pag mamahal sa bayan ay
ang pag bili natin at pag tangkilik nang mga local na produkto nakakatawang isipin pero ang dayuhan kumikita samantalang tayo ay lumulubog sa kahirapan sa bawat pag bili natin nang mga imported na produkto panahon na upang ihahon ang ating bansang pilipinas sa kahirapan sa pamamagitan ng nationalismo.
May kasabihan nga “ang kabataan ay ang pagasa nang inang bayan”. Tayo raw ang maghahatid sa kanya sa langit ng kasaganaan at karangalan, o hihila sa kanya sa putik ng kahirapan at kahihiyan.
Ang tunay na pag-ibig sa bayan, ang tunay na nasyonalismo, ay wala sa tamis ng pangarap, wala rin sa pagpag ng dila. Ang tunay na pag-ibig ay nasa pawis at gawa. Pagsikapan nating ipaunlad ang sariling bansa.
Ang panahon ng pagkilos ay ngayon, hindi bukas, hindi sa isang taon. Kung sa murang edad pa lang ay malaman na natin ang kahalagaan nang pagiging taong may pag mamahal sa sariling bayan marahil sa kinabukasan ay masasabi na nang lahat nang nakataas ang nuo “ako ay pilipino”
Kung naghahanap ka pa ng iba pang mga talumpati, mga halimbawa nito, at kahulugan, pwede kang bumisita dito.
Salamat sa pagbabasa!














