Tungkol sa Buhay Kubo

Ang Buhay Kubo ay isang Komik strip na gawa ni Juan Karlo Licudine na, ayon sa pagpilit ng awtor, ay sumasalamin sa buhay ng mga kabataang Pilipino sa panahon ngayon (Kahit hindi naman talaga. Puro mga walang kwentang bagay lang siya, actually). 

Sundan ang pakikipagsapalaran ng ating mga bida na sina Jake Lorensaga, Randy Villegas, at Ace Tayug sa kanilang pang-araw-araw na buhay; sa kanilang pagaaral (o sa kanilang “hindi pag-aral”), sa kanilang mga love life, sa paglalaro ng DoTA, at sa mga iba’t-iba nilang kalokohan sa buhay.

Oo, ito ang buhay kubo, mga istorya ng pangaraw-araw na buhay ng mga kabataang Pilipino.

Mga Pangunahing Karakter ng Storya

jakeprofilepicJake Lorensaga (Blue Jeans)
Isa sa tatlong bida sa Buhay Kubo. Siya ay nagaaral parin sa college (8 years na) . 3/4 ng kanyang oras ay ginugugol nya sa pag-iinterent at paglalaro ng video games. Ang natitira ay sa pagkain, pagtulog, at sa paggawa ng mga hindi pwedeng isiwalat na bagay sa loob ng banyo.

What do you want to be when you grow up? Astronot Doctor Batman Aso It’s complicated

Unang lumabas sa Pebrero 13, 2009

—————————————————————————————————————————————-

randyprofilepicRandy Villegas (Godlike)
Kasabayan ni Jake sa kalokohan. Estudyante pa din at isa namang self-confessed DoTA addict. Lapitin ng mga chix dahil sa kanyang angking kagwapuhan. Dahil dito, siya rin ang nagsisilbing “wingman” para sa kanyang dalawang kaibigan (So far, wala parin siyang mahanap na babaeng papatol sa dalawa. It’s either hindi magaling na wingman si Randy, o wala lang talaga silang pag-asa pagdating sa love life).

What is your motto? Aanhin pa ang damo kung meron namang DoTA

Unang lumabas sa Pebrero 15, 2009

—————————————————————————————————————————————-

 acetayugprofilepic1Ace Tayug (The 22 Year Old Virgin)
Isa sa mga rare species ng barkada na nakatapos na ng pag-aaral. Siya ngayon ay nagtratrabaho bilang isang Professional Web Designer. Masipag, mayaman, at succesful. Kung bakit panay parin ang dikit nya sa kanyang dalawang ugok na kaibigan, ay walang nakakaalam. Ang kanyang pangunahing layunin sa buhay ay makahanap ng girlfriend.

Who is your first kiss? Nanay ko.

Unang lumabas sa Pebrero 13, 2009

—————————————————————————————————————————————-

 

Mga Supporting Karakters

pattyprofilepicPatricia “Patty” Buazon (Krabby)
Ang kasalukuyang girlfriend ni Randy. Simple, masiyahin, at matalino. Naging magkaklase sila ni Randy, Jake at Ace noong Highschool.

Unang lumabas sa Pebrero 27, 2009 – Twilight

—————————————————————————————————————————————-

sircamosSir Camos (Your friendly neiborhood prof)
Propesor sa kolehiyo ni Jake at Randy. Istrikto pero hindi naman ganong ka-terror. Simpleng manyakis.

Unang lumabas sa Pebrero 21, 2009 – Pinay Scandals 2

—————————————————————————————————————————————-

rastaRasta (Hindi naghuhugas ng buhok)
Kaklase ni Jake sa iskwela. Nagpapanggap na taga-Jamaica, bagay daw kasi ang outfit nila sa kulay ng balat niya. Kumpleto ang lahat ng Sex Scandals.

Kaya siya naging supporting character dahil astig ang buhok niya.

Unang lumabas sa Pebrero 19, 2009 – Pinay Scandals

Ang Buhay Kubo ay gumagamit ng WordPress at ComicPress. Subscribe RSS: Entries | Comments